Kumpiyansa ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) na magiging matagumpay ang pag-implementa nito ng limited face-to-face classes sa bansa kahit mayroon pa ring banta ng pandemya.
Sa ginanap na Virtual Regional Visit noong Abril 12, 2022, ibinahagi ni DepEd Asst. Sec Malcolm S. Garma ang mga sumusunod:
- Based on the quick count as of April 11, 2022, at 12NN, there is a total of 25,173 schools nominated by the regions for the progressive expansion of face-to-face classes. 24,476 of which are public schools and 697 are private schools.
- There is a total of 5,248,603 participating learners from the nominated schools submitted by the regions for the progressive expansion phase of face-to-face classes.
- Meanwhile, there is a total of 20,656 public schools and 490 private schools that are participating in the implementation of face-to-face classes as of April 11, 2022, with an overall total of 21,146 participating schools.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, matagal na umano itong hinihiling ng mga estudiyante maging ang mga magulang kaya hindi umano nito nakikita na magiging palpak balang araw ang limited physical classes sa bansa dahil masusi naman umano nila itong pinag-aralan bago ipatupad.
“Ah una we don’t anticipate na mag fail ang face to face [classes] dahil ito ay response sa demand…kung maaalala natin…nag umpisa yung ating pandemic diba…nag lockdown tayo ng mga klase…much to our difficulty at may demand talaga na nilalabas na gusto ng mga parents gusto ng international community na magkaroon tayo ng face to face and so this is the response to the expectation of the public.
Dagdag pa ni Briones, walang alternatibong paraan para dito dahil kumpiyansa sila na hindi magiging palpak ang pag i-implementa nila ng limited face to face classes dahil maging ang ilang mga bansa umano ay gumagamit narin ng limited face to face classes kung saan puro teknolohiya na umano ang umiiral sa mga panahong ito.
“We also anticipate na hindi masyadong magiging threatened ang ating school system with the initiation of face to face kasi nangyayari din ito sa ibang mga bansa,” saad ng kalihim.
“Yung wala pa tayong face to face in-implement na natin yung alternative kasi ang face to face kasama lamang sa isang bahagi ng blended learning kung saan gumagamit tayo ng module gumagamit tayo ng internet gumagamit tayo ng iba’t-ibang paraan na ma-share ang iba’t-ibang lessons sa mga bata…so the alternatives are already in place and they have been there,” dagdag pa ni Briones.
“Wala akong alam na bansa na pure face to face talaga kasi sa totoong buhay…paglabas ng ating mga bata ang lipunan na kanilang gagalawan ang trabaho, pag-aaral etc…halo naman talaga…mayroon online karamihan ngayon ng mga transaksyunes sa business sa buhay, communication even pag order ng pagkain ay online noh?…so kailangan ipagpatuloy natin ang online na na-umpisahan na natin,” pahayag pa nito.
Discussion about this post