Matapos ang national and local elections noong Mayo 9, nagdesisyon ang taumbayan kung sino ang mga bagong mamumuno sa kanila. Dito ay may nanatili sa puwesto at mayroon din naman mga bagong mukha sa politika.
Tuwing matatapos ang halalan ay nagsasagawa ang Civil Service Commission ng mga forum para sa mga bagong halal na opisyal upang maging maalam ang mga ito sa mga dapat at hindi dapat na gawin kapag nasa serbisyo publiko.
Ayon kay Civil Service Commissioner Aileen Lizada, mahalaga ang forum na kanilang isinasagawa lalong-lalo na sa mga bagong halal na opisyal upang maiwasan ang alin mga paglabag habang nanunungkulan at huwag umano babaliwalain lamang ito.
“Mayroon po kaming local executive forum na ginagawa and this is through our regional offices…ito po yong mga ino-orient natin na newly elected officials about the civil service rules yong dos and the don’ts po at tiyaka yung mga consequences po for violations,” ani ni Lizada
“Ang request lang po namin kasi pag nag c-conduct po kami ng local executive forum ang nangyayari po nag a-attend sila and then pagkatapos aalis na,” dagdag pa ni Lizada.
Kasi importante po ito masyado…to guide them to appointment…paano ang ginagawa ang mga appointment ano ang mga bawal na appointment,” saad ni Lizada
Dagdag pa ni Lizada, ilan sa mga ito ay representante ang kanilang ipinapadala sa nasabing forum bagay na hindi ikinatuwa ng pamunuan ng Civil Service Commission (CSC).
“And kung magpapadala kayo ng mga representative eh hindi po ninyo nakukuha yong eksatong punto nung ating objective on why we conduct local executive forum,” ani ni Lizada
“Para po ito sa inyo…para po hindi kayo ma disapprove yong inyong mga appointments na ginagawa,” dagdag pa ni Lizada.
Samantala, patuloy na hinihikayat ng CSC ang lahat ng mga bagong halal na opisyal na personal na dumalo sa forum at wag ang mga representante lamang ng mga ito.
“So we encourage the local executive[s]…yung mga newly elected local officials to attend yong ginagawa po ng ating regional offices namin sa mga local executive forum to attend po personally…para mismo sila alam nila yung role nila with regards sa hiring and mga dos and don’ts within the respective offices,” saad ni Lizada
Discussion about this post