Agad narespondihan ng isang concerned citizen ang nakita nitong ilang kabataan nakatambay at pinapanood ang dalawang babaeng nagsasabunutan sa gilid ng isang kainan sa Junction 1, Barangay San Miguel ganap na 8:30 ng gabi ng Marso 5.
Ayon kay Juan Hughme, agad niyang hinihinto ang kanyang motorsiklo nang makita niya ang dalawang babae na nagsasabunutan at kanyang sinita ang mga ito.
“Madami ang nakakita pero ako lang ang nag park at sumita. Natakot sila nung umpisahan kong idocument ang eskandalong ginagawa nila sa public place,” saad ni Hughme.
“Yung sinampal at sinabunutan kawawa maliit lang versus sa matangkad na babae parehong naka eye glasses at mukhang estudyante. may mga lalaki silang kasama puro teenager din, pero hindi din nila maawat ang babae nanggugulpi. Sabi ng dalaga ginugulpi buti at sinita ko daw sila kundi baka mas malala pa ang nangyari sa kanya,” dagdag pa nito.
Napag-alaman na ang babaeng sinabunutan ay residente ng Barangay Irawan, 19 taong gulang at isang estudyante.
Panawagan ni Hughme sa mga magulang ng mga kabataan na pakalat-kalat sa lansangan, huwag pabayaan ang kanilang mga anak, bantayan upang hindi mabugbog at makaiwas sa gulo.
Discussion about this post