Agad na isinugod sa pagamutan ang motoristang si Bernardo Garapo Asistente, 48 anyos, residente ng Barangay Liminangcong, Taytay, Palawan.
Ayon sa report ng El Nido Municipal Police Station, ganap na 10:10 ng umaga noong Abril 17 nang maganap ang aksidente, sa National Highway, Barangay Villa Libertad.
Sa imbestigasyon ng pulisya, sinalubong ng pampasaherong van ang motorsiklo na pinasok ang linya nito dahilan upang maganap ang aksidente.
Kinilala ang driver ng van na si Ruel Alos Capuno, 47 anyos, residente ng Barangay San Fernando, El Nido.
Nagtamo ng sugat at bali sa paa ang motoristang biktima.
Sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek habang ang dalawang sasakyan ay nasa kustodiya na ng PNP para sa karagdagang imbestigasyon.
Discussion about this post