Paunti-unti nang nagsisimula ang pagbenta ng mga kadalasang panregalo tuwing Valentine’s Day sa mga iba’t-ibang establisimyento sa lungsod, nauna na rito ang isa sa mga mall sa Puerto Princesa.
Kabilang sa mga paunang inilabas sa mga panindang ito ay ang chocolate bouquet na naghahalaga ng P50 to P600 depende sa disenyo o brand, gummy bears at gummy worm candies na P50 kada maliit na lalagyan.
Hindi rin naman mawawala ang mga tradisyunal na regalong stuffed toys na naglalaro sa presyong P350-P800, mga hugis puso na balloons na may mga disenyong “Happy Valentine’s Day” o “I Love You” na may presyong P50-P80, nakadepende rin sa pagka-espesyal o sa disenyo nito.
Sinabi rin naman ng ilan sa mga nagtitinda na ang mga presyo ng ilan sa mga produkto nito ay tataas rin pagsapit ng Lunes, araw ng mga puso, February 14, kasabay na rin ng pagbenta ng mga sariwang bulaklak, gaya ng rosas, sa mga susunod na araw.
Discussion about this post