Bilang respeto at bilang opisyal ng Coast Guard District Palawan ay nagtungo si Coast Guard Commodore Angel Viliran kasama ang District Staff at Operation Control Unit, upang mag courtesy call at mainit na sinalubong ni Brigadier General Elpidio B. Talja, Philippine Air Force Wing Commander ng Tactical Operations Wing West (TOW West), nito lamang Marso 1,2022.
Bahagi ng courtesy call na ito ay upang mapag-usapan ng dalawang panig ang kasalukuyang estado ng Coast Guard District Palawan at Tactical Operations Wing West kaugnay na rin sa mga operasyon, proyekto at ilan pang mga aktibidad na kanilang planong gawin habang sila pa ang opisyal ng dalawang ahensya at isa na dito ang Ride for a Cause for Typhoon Odette’s victims na inilunsad noong Pebrero 26, at nilahukan ng iba’t ibang ahensya sa lungsod at Palawan at mga organisasyon. 200 na mga motorist ang lumahok sa nasabing aktibidad na mula Robinson’s Place Palawan, Barangay San Manuel, Puerto Princesa City hanggang Kuta Park, Taytay, Palawan.
Kabilang sa lumahok at nakiisa ay sina Congressman Gil Acosta Jr., Brigadier General Jimmy Larida ng Philippine Navy Marines, Mayor Christian Rodriguez, Mr. Butch Chase Edward, Atty Joel Tan, Mr. Alex Castro, PCGA Captain John Kenneth Tan at Engr. Chaps Cadiz at 14 mula sa Palawan groups ng riders at iba pang solo riders.
- Tamilok Motorcycle Group Inc.
- WHEELTEK Incorporated Puerto Princesa
- PMRC/USP
- Palawan Provincial Police Office
- Life Riders
- William Tan Enterprises Incorporated Realty and Development Corporation
- MoTourSerye
- Evo Riders Club Philippines
- Honda Click Riders
- Palawan Street Monkeys (PSM)
- HIJOS/HIMASS
- AEROX/NMAX Rider’s Club Palawan
- Iwahig Riders
- Coast Guard Riders (HCGD Palawan, CGSPP, CGS BP, CGS Balabac, CGS Roxas at MSSU-Palawan)
Layunin nito na ipakita sa mga mamamayan ang pagkakaisa at damayan ng bawat ahensya, organisasyon at pagtulong sa mga naging biktima ng Odette.
Nagpapasalamat naman ang opisyal ng Coast Guard District Palawan sa suporta sa mga nakiisa sa kanilang aktibidad.
Discussion about this post