Matagumpay na naisagawa ng Puerto Princesa City Police Station 2, ang Community Outreach Program sa Purok Matapat, Barangay San Jose, ganap na 1:30 PM noong Marso 8.
Ginawa ang Outreach Program sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods sa Muslim Community, Barangay San Jose.
Ang akitibidad ay pinangunahan ni Police Executive Master Sargeant Allan M. Aurelio, alinsunod sa kanilang Station Commander Police Major Noel A Manalo, kasama ang KKDAT (Advocacy Support Program).
Layunin ng aktibidad na ito na iparamdam sa mga mamamayan na sa kabila ng patuloy na pandemya, ang mga pulis ay handang tumulong sa komunidad.
Nagpapasalamat naman ang PS2 sa mga tumulong sa kanila sa kanilang ginawang matagumpay na aktibidad sa Puerto Princesa.
Discussion about this post