Ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na nakumpleto na ang limang magbubuo ng komite na siyang magsasagawa pagsusuri sa mga heneral at koronel ng Philippine National Police.
Bagama’t hindi isinapubliko ni Abalos ang mga pangalan at pagkakakilanlan ng limang committee members, tiniyak ng kalihim na magiging katanggap-tanggap sa mga mga miyembro ng pulisya ang napiling mga miyembro na siyang magsasagawa ng mabilis na pagsusuri sa mga pangalan na bahagi ng third level officers ng PNP.
Sa kabila nito may nauna nang pinangalanan ang DILG na isang dating opisyal ng PNP, na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na kasapi sa komite.
Bilang karagdagan naman sa isinasagawang internal cleansing ng Philippine National Police nabatid na umaabot na sa mahigit 900 mga opisyal ng PNP ang nakapagsumite na ng courtesy resignation.
Sa kasalukuyan nakapagsumite na ng courtesy resignation ang 904 na full-fledged colonels at generals ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni Kalihim Abalos nasa 50 pang opisyal ang hinihintay nilang magsumite ng courtesy resignation hanggang Enero 31, 2023.
Ayon kay Abalos, mahigpit na isasalang sa vetting process ng “5 man committee” ang mga opisyal upang alamin kung sangkot sa isyu ng iligal na droga.
Discussion about this post