Nakatakas mula sa pag-aresto ng mga opisyales ng Brgy. Mangsee, Balabac ang dalawang suspek na naaktuhang nagsasagawa ng pot session.
Kinilala ang mga suspek na ngayon ay pinaghahanap na ng batas na sina Elwin Jackarun Taraji, 36, at Aladin Jackarun Taraji, 34, parehong mangingisda at mga residente ng nasabing lugar.
Sa spot report ng PPO, nakasaad na dakong 11:40 am kahapon, Hulyo 9, 2020, nang tumungo sa Balabac MPS si Kapt. Jestra Ladjabulan H. Nur ng Brgy. Mangsee, kasama si Wahid Nur Radjabulan at iniulat ang insidente.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, dakong 10 am noong July 8, nagsagawa ng foot patrol si Brgy. Captain Nur kasama ang kanyang adviser na si Radjabulan, at ang mga tanod sa kanilang nasasakupan at napadaan sa bahay ng mga suspek. Napansin umano nilang may mga tao roong nagsasagawa ng pot sesssion kaya agad nilang pinasok ang naturang bahay.
Sinikap umano ni Kapt. Nur na arestuhin ang mga suspek ngunit pinukpok siya ng mga suspek ng martilyo sa ulo at kalaunan ay nagawang makatakas.
Nakuha naman mula sa tahanan ng nasabing mga indibidwal ay ang isang pencil case na kulay puti at pink na naglalaman ng dalawang heat sealed white plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, apat na heat sealed drinking straw na naglalaman din ng pinaghihinalaang shabu, isang walang lamang pakete ng astro cigarette, tatlong kulay dilaw na straw, dalawang kulay pulang straw, isang puting straw, isang gamit ng aluminum foil, dalawang aluminum foil, isang kulay puting kandila, isang gunting, isang Gillette blade, tatlong lighter, dalawang Bamboo stick, at isang martilyo.
Isinagawa naman ang inventory, markings at mga larawan ng mga confiscated items sa Balabac MPS na sinaksihan naman ni Association of Brgy. Captain President Kenneth Batalla.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Balabac MPS mga nakumpiskang aytem items para sa tamang disposisyon at isinasagawa na rin ang follow-up manhunt operation tungo sa posibleng pagkakaaresto sa mga suspek na nahaharap ngayon sa paglabag sa RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
Discussion about this post