Agad na nagsagawa ng Counteraction Operation ang AFP Western Command Naval Forces West at Philippine Coast Guard (PCG) sa apat na kalalakihan sa Sitio Communite, Barangay Magsaysay, Dumaran, Palawan, sa planong pag-puslit ng umano ammonium nitrate na ginagawang dynamite.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Velardo Allego, Rodel Allego, Joco Luzong, at Cyril Alibanto, pawang mga nasa hustong gulang at residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat ng Western Command, noong Mayo 25 nang mahuli ang mga suspek na sakay ng isang bangka, base narin umano sa sumbong dahilan upang matimbong ang mga ito. Nasa 50 sako ang nakumpiska na nagkakahalaga ng P1.2 milyong piso.
Samantala, sinampahan na ng kasong paglabag ng Republic Act (RA) 10654 o “An Act prohibiting the use of any form of explosive or noxious substance to catch fish” ang mga suspek.
Nasa kustodiya naman ng PCG ang mga ammonium nitrate upang gawing ebidensya laban sa apat na suspek.
Discussion about this post