Timbog ang isang 51-anyos na lalaki matapos mabilhan ng mga operatiba ng ilegal na shabu sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brooke’s Point, Palawan, nitong Hulyo 13, 2025.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jas,” at residente ng Brgy. Ipilan, Brooke’s Point, Palawan.
Ayon sa spot report ng Palawan Police Provincial Office (PPO), nabilhan umano ang suspek ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 1.30 na gramo at nagkakahalaga ng P1,000 nang nagpanggap na buyer ng mga operatiba. Nadakip naman ito ng mga operatiba ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-Palawan PPO, at PIU-Palawan PPO, na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-4B.
Nakumpiska rin sa suspek ang isang itim na Oppo cellphone, lighter, perang nagkakahalaga ng P50 pesos, at ang P1,000 na buy-bust money.
Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng Brooke’s Point MPS ang suspek para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.














