Kasalukuyang nasa bilangguan na ang lalaking Rank Number 5 nasa “Most Wanted” ng Cuyo Municipal Police Station na si Donald Villacarlos.
Ayon sa Cuyo PNP, ika-19 ng Pebrero nang mahuli ang lalaki ng Magsaysay Municipal Police Station at 2nd Palawan Mobile Force Company sa Barangay Cabigsing, Cuyo sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Paz Soledad B. Rodriguez-Cayetano ng RTC Branch 49, Puerto Princesa City, Palawan dahil sa kasong frustrated murder.
Matatandaan taong 2019 nang masangkot ang suspek na pinalo nito sa ulo ang biktima na si Dirik Parangue dahilan upang ito ay ma-confined sa lungsod ng Puerto Princesa.
Naglaan naman ng piyansa ang korte sa kaso ni Villacarlos na nagkakahalaga ng P200,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Discussion about this post