Inilabas na ng Puerto Princesa City Police Office ang kanilang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement (SACLEO) simula January 1 hanggang 28 taong kasalukuyan.
Sa pangunguna ni Puerto Princesa City Police Office, Police Colonel Roberto M Bucad, Acting City Director, kung saan isang “most wanted person” at dalawang buy-bust operations ay nagresulta ng pagka-aresto ng High Valued Individuals at tatlo naman ang nakumpiska dahil sa walang lisensiya, 805 ang naitalang “Traffic Violators” at 248 naman ang “Health Protocol Violators.”
Isa din sa mga accomplishment ang SACLEO o ‘’One Time Big Time’’na ipinapatupad ng mga kapulisan upang maipagpatuloy ang pagtugis sa mga lumalabag sa batas.
Siniguro naman ni Col. Bucad sa mamamayan ng lungsod ng Puerto Princesa na mananatili ang kanilang pagsiserbisyo at ang peace and order sa lungsod.
Discussion about this post