Arestado ang apat na lalaki na wanted sa batas sa lalawigan ng Palawan.
Arestado sa bayan ng Balabac ang isa sa mga wanted na kinilalang si Moli Duro Jabbar, 44 anyos, negosyante at residente ng Sitio Matangule, Barangay Bancalaan nitong Marso 4 sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Evelyn C Cañete, 9th Municipal Circuit Trial Court, Brooke’s Point, Palawan, sa kasong paglabag ng section 6 of Republic Act 10643.
Naglaan naman ng piyansa sa kaso ng suspek na halagang P30,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Sa bayan ng Quezon, kahapon, Marso 4, arestado naman ang lalaki na si Jan Jayross Obena Hermogenes, 22, magsasaka, residente ng Sitio Lamding, Barangay Isugod.
Nahuli si Hermogenes sa bisa ng warrant of arrest ng Quezon PNP na pirmado ni Judge Evelyn C. Cañete, MCTC Quezon sa kasong paglabag ng section 77 ng Presidential Decree 705.
P30,000 naman ang inilaang pyansa ng korte para sa kaso nito.
Sa Sitio Tagbalante, Barangay Berong, Quezon, marso 4, arestado din si Rolando Malinao Setenta Jr. 22, na residente sa nabanggit na lugar.
Inaresto si Setenta dahil sa paglabag sa section 77 ng Presidential Decree 705 na may warrant of arrest na pirmado ni Judge Evelyn C. Cañete, MCTC Quezon.
Naglaan ng pyansa ang korte sa kaso ng suspek na P36,000.
Sa kaparehong araw, inaresto din sa bayan ng Bataraza si Benassir Bani Hassan, 34, magsasaka, residente ng Barangay Marangas.
Sa bisa ng warrant of arrest na permado ni Judge Perfecto E. Fe, 4th Judicial Region, RTC Branch 51, Puerto Princesa City, kasong paglabag ng Republic Act. 6539 o (Anti-Carnapping Law) ang isinampasa supek na may piyansang P180,000.
Ang mga wanted ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP.
Discussion about this post