Arestado sa ginawang drug buy-bust operation ng El Nido Municipal Police Station ang isang babae sa National Highway, Barangay Maligaya, pasado 8:38 kagabi ika-29 ng Marso.
Kinilala ang suspek na si Loida Abadilla, kilala din bilang “Alis,” 44-anyos, na residente sa Barangay Buena Suerte.
Ayon sa mga awtoridad ang suspek ay isang High Value Target pulisya.
Nagbenta ito ng ilegal na droga sa asset ng PNP kapalit ang P1,500 buy-bust money.
Nakuhaan pa ito ng apat na pakete shabu na tumitimbang ng 0.35 grams na nagkakahalaga ng P4,000.
Sinampahan na ng kasong paglabag ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang naturang babae.
Discussion about this post