Nagtamo ng sugat sa likod ng katawan ang isang lalaki matapos na saksakin sa bayan ng Quezon, Palawan, noong Disyembre 13.
Kinilala ang biktima na si Ricardo Morales Jr. 23-anyos, isang construction worker at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Tabon sa nasabing Bayan.
Natukoyan naman ng mga awtoridad ang suspek na si Alias “Putoy” na nakatira sa Barangay Quinlogan sa parehong bayan.
Ayon sa PNP, pasado alas-sais ng umaga umano noong nabanggit na petsa nang makatanggap sila ng tawag na may insidente nang pananaksak kung saan inabutan nila ang biktima na nasa pagamutan na.
Ayon na rin sa salaysay ng biktima, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Morales at ng suspek bago ang isidente.
Kaugnay nito, sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek.
Discussion about this post