Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang katao matapos tagain sa Sitio Bubog, Barangay Amas, bayan ng Brooke’s Point nito lang Setyembre 19.
Kinilala ang mga biktima na sina Larry Kudyang Nalnaba, 34 anyos, magsasaka at Pendena Agor Uni, babae, 65 anyos, parehong residente ng So. Bubog, Brgy. Amas, Brooke’s Point, Palawan.
Habang ang suspek naman ay kinilalang si Totoy Kudyang Andao, 33 anyos, magsasaka na residente rin sa nabanggit na lugar.
Ayon sa imbestigasyon, bandang 6:30 ng gabi, Setyembre 19, ayon sa asawa ng biktima, naglalaba siya ng kanilang mga damit sa labas ng bahay habang ang kanyang asawa ay nagche-check ng kanilang itinanim na gulay mga 3 metro ang layo mula sa kanya nang dumating ang suspek at walang kaabug-abog ay hinugot umano ang kanyang bolo at sinubukang saksakin ang biktima na si Larry K. Nalnaban.
Agad na tumakbo si Nalnaban ngunit nasaksak pa rin umano ito sa likuran ng dalawang beses ng suspek.
Habang hinahabol ng suspek ang biktima na si Larry, nakita niya ang isa pang biktima na si Pendena A. Uni at sa walang malinaw na dahilan ay sinaksak niya rin si Uni.
Dinala agad ang mga biktima ng mga tumugon na opisyal ng barangay sa Southern Palawan Provincial Hospital-Brooke’s Point para sa agarang medikal na atensyon.
Tumakas naman ang suspek matapos gawin ang nasabing krimen ngunit nahuli rin ito kalaunan ng mga rumesponding pulis at narekober mula sa kanyang pag-aari ang ginamit na sandatang bolo na may habang 17 pulgada.
Samantala, sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek.|
Discussion about this post