Dead on arrival ang isang guro sa Bayan ng El Nido sa isang vehicular accident na naganap bandang 12:30 pm kahapon.
Kinilala ang biktima na si Anna Lyn Laudan Pinto, 39 taong gulang, walang asawa, at residente ng Sitio Cabigsing, Brgy. Buena Suerte, El Nido, Palawan.
Sa spot report ng PPO, nakasaad na nakatanggap ng tawag ang El Nido MPS na nag-iimporma sa naganap na pagkaka-self-crash ng isang indibidwal sa daan.
Napag-alamang, walang suot na helmet ang biktima nang mabilis na nagpatakbo ng kanyang Honda XRM 125 motorcycle at binabagtas ang San Juaquin Street sa Sitio Cabigsing, Brgy. Buena Suerte nang aksidenteng sumalpok sa Arrebada Water Refilling Station na nagresulta ng kanyang biglaang pagbagsak sa kalsada.
Agad naman umanong dinala ang biktima sa Palawan Medical City sa nasabi ring munisipyo ngunit dineklara siyang dead on arrival ng tuminging manggagamot na si Dr. Christian Ray S. Zamoranos.
Napag-alamang magdiriwang sana ng ika-40 kaarawan ang biktima ngayong araw.
Discussion about this post