Arestado ang dating alkalde ng bayan ng Rizal na si Alrie Nobleza dahil sa kasong paglabag sa Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Si Nobleza, 48 anyos at residente ng Barangay Iraan sa bayan ng Rizal ay naaresto sa Barangay Tub-tub, Brooke’s Point nitong Lunes ng hapon, July 6 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ramon Chito Mendoza ng Regional Trial Court Branch 165 ng bayan ng Brooke’s Point para sa nasabing kaso.
Base sa report mula sa pulisya, si Nobleza ay itinuturing na High Value Target (HVT), Regional Priority List at National List ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA dahil sa iligal na droga.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management and Penology sa bayan ng Brooke’s Point ang nasabing dating alkalde.