Nilooban ng magnanakaw ang isang bahay sa Juan Compound, Barangay Bancao-Bancao, sa lungsod ng Puerto Princesa kaninang madaling araw Pebrero 18, natangay ang dalawang cellphone at pera ng mga biktima. Nadiskubre nila ang pagnanakaw nang magising sila bandang alas-5 ng umaga at makita nilang bukas na ang lahat ng pintuan.Ayon sa post ni Jenilyn Cayapas Bundal, pinapayuhan ang lahat na maging mas maingat dahil dumarami na ang kaso ng pagnanakaw sa lugar.
“Pinasok po kami ng magnanakaw kaninang madaling araw dito po sa Juan Compound Brgy.Bancao- Bancao kinuha po yung 2 cellphone at pera po namin,paggising namin kanina mga 5am bukas na po lahat ng pintuan.kaya mag iingat na po tayong lahat marami na pong magnanakaw ngayon.”
Discussion about this post