Wala pa rin suspek sa nangyaring panggagahasa sa isang babaeng natagpuang wala ng buhay sa Barangay Sta. Monica noong Enero 23, 2022.
Dalawang buwan na ang nakakalipas nang mapaulat ang nang matagpuan sa damuhan sa Barangay Sta.Monica ang biktimang si Beberlyn Ampan, 19-anyos, residente sa Barangay Sta Lourdes.
Samantala, halos hindi rin makapaniwala ang mga tao sa lungsod ng Puerto Princesa, nang mabalitaan naman ang naganap na holdapan sa mag-asawang negosyante na sina Neneth Sagupan at Mark Anthony Caadan, sa Barangay San Jose nito lamang Marso 12 ng gabi nang sila ay pababa na mula sa sinakyan nilang freezer van.
Nang tutukan ng baril ng suspek ang biktimang babae at kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng mahigit isang milyon halaga ng pera, mga bank cards at cellphone.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alonso Tabi Jr., tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office, wala pa rin mga suspek sa dalawang kaso, ngunit hindi tumitigil ang mga awtoridad sa imbestigasyon at patuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon upang maresolba na ang kaso.
“Every week mayroon tayo meeting with the management operation at meron ng development pero nais namin masiguro muna,” ani Tabi.
Discussion about this post