Arestado ng mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal drugs operation Biyernes ng gabi ang isang residente ng Quezon, Palawan.
Sa ibinahaging impormasyon ng Quezon Municipal Police Station (MPS) sa kanilang social media account, nadakip ang suspek ay kinilalang si Dennis “Dondong” Crampatanta Nabalitan, 36 anyos, welder, tubong Negros Occidental at ngayo’y naninirahan sa Purok Maliwanag, Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan.
Ikinasa ng Quezon MPS ang nasabing buy-bust operation dakong 11:20PM sa kahabaan ng National Highway, Payong-Payong Sing Along Bar Compound, Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan, kasama ang mga personnel ng PDEU, PNP 2nd SOU-Maritime Group, Quezon Special Boat Unit (SBU), Regional Special Concerns Group (RSCG), Palawan Intelligence Unit (PIU) at NAV4 West- NISG-W.
Nabili mula sa suspek ang tatlong pakete ng heat sealed transparent plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu.
Nakumpiska naman sa kanyang pag-iingat ang isang blue lighter, tatlong P20 bill, dalawang P100 bill, isang P1,000 bill bilang buy bust genuine money, tatlong P1,000 boodle money, isang pakete ng umano’y shabu, at dalawang Langka Jackfruit candy.
Isinagawa ang inventory at markings sa mga nakumpiska sa mismong lugar na sinaksihan mismo ng suspek, nina Barangay Kagawad Mylene C. Aureno at Roderic V. Llaccer at ng isang local media practitioner.
Nakatakda namang dalhin sa Puerto Princesa City Crime Laboratory Office ang mga drug evidence para sa eksaminasyon. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Quezon MPS ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 ng RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
Discussion about this post