Arestado ang isang lalaki sa Barangay Sapa, Bataraza, Palawan matapos mahuling nagbebenta ng sigarilyong walang Health Graphic Warning.
Kinilala ang suspek bilang si alyas Jener, 38 anyos, at residente ng Barangay Bancalaan, Balabac, Palawan.
Dakong alas-5:00 nitong umaga araw ng lunes Pebrero 17, 2025, nagsagawa ng pinagsamang operasyon laban sa iligal na gawain ang mga tauhan ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) at 3rd Platoon 1st PPMFC. Sa isinagawang operasyon, nahuli ang suspek matapos magbenta ng isang (1) master case ng New Berlin Cigarette na walang Health Graphic Warning sa halagang PhP10,000.00.
Nakumpiska mula sa suspek ang mga sumusunod na ebidensya:
Sampung (10) piraso ng tig-iisang libong pisong papel (PhP10,000.00)
Sampung (10) master cases ng Fort Cigarettes
Dalawang (2) master cases ng New Berlin Cigarettes
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bataraza MPS at mahaharap sa kaukulang kaso para sa paglabag sa RA 10643.
Discussion about this post