Patay ang isang lalaki makaraang sumalpok ang minamaneho nitong motor sa nakasalubong na itim na Foton Toplander (SUV), alas 10:30 ng gabi noong Sabado (December 5, 2020) sa panulukan ng South National Highway at Reginio Road, Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.
Base sa spot report ng City Police Office, ang biktima ay si Jezreel Alaska, 28 anyos, binata, construction worker at residente sa Barangay Sta. Monica habang ang driver ng SUV ay kinilalang si Arthur Torillo, 55 anyos, government employee at residente sa Barangay San Pedro.
Lumalabas sa imbestigasyon, binabagtas ng SUV ang South National Highway mula sa Barangay Sicsican at pagdating sa kanto ng Reginio Road ay bigla umanong lumabas sa highway ang motor kaya sila nagkabanggaan.
Samantala, ang pamilya ng biktima at ang suspek ay nagkaroon na lamang ng kasunduan upang hindi magsampa ng kaukulang kaso.
Discussion about this post