Nadakip sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng Roxas municipal Police Office (MPS) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang isang indibidwal sa Bayan ng Roxas Martes ng gabi, March 23, 2021.
Kinilala ang suspek na si Alejandro Uri Flores, a.k.a. “Busilak,” 27 taong gulang, musikero, may kinakasama at residente ng North Star Subdivision, Purok Zambales, Barangay III, Roxas, Palawan.
Sa spot report ng Roxas PNP, nakasaad na nabilhan ang suspek ng isang pakete ng hinihinalang shabu at isa pang pakete na hinihinalang naglalaman ng dahon ng marijuana ng isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska rin mula sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinala ring shabu, isang P1000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, totoong P500 bill, at tatlong pirasong P20 bill.
Nasa kustodiya ng Roxas PNP ang suspoek at inahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
Discussion about this post