Walang kawala ang isang lalaki na most wanted sa batas matapos arestuhin ng mga awtoridad dahil mayroon itong aktibong warrant of arrest para sa kasong Frustrated Murder.
Ang suspek ay inaresto sa Barangay Irawan, lungsod Puerto Princesa kaninang umaga ngayong araw ng Lunes Hulyo 17.
Kinilala ng PNP ang suspek na si Rexson Tagle y Dolce, lalaki, 36-anyos, walang-asawa, magsasaka at residente ng Sitio Sto. Niño, Brgy. Napsan.
Ayon sa Police Station 2, ang nasabing indibidwal ay naaresto ng joint personnel ng Police Station 2 (lead unit), sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang Pebrero 21, 2022 na inisyu ni Angelo R. Arizala, Punong Hukom ng RTC Br 52, Ika-4 na Hudisyal na Rehiyon, Puerto Princesa City para sa nasabing kaso at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng P200,000.
Ang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon ng PS2 at dadalhin sa hukuman para sa tamang paglilitis.
Discussion about this post