Limang katao kabilang na ang isang menor de edad ang binawian ng buhay sa malagim na aksidente ganap na 7:50 kagabi, Mayo 20 sa Sitio Lucon, Barangay Malis, Brooke’s Point, Palawan.
Sakay sa topdown ang mga nasawi na sina Zera Adonis, 18-anyos, residente sa Barangay Mainit kasama sina Rey Jeven Longgaeng, 19-anyos, Loui Jay Abis, 22-anyos, SK Treasurer, at parehong residente naman ng Barangay Tubtob, Brooke’s Point.
Samantala, sugatan naman ang iba pang mga kasama nito sina, at Ayson Lamnik, 17- anyos, Randy Tamposot, menor de edad, Venny Dubria at Dorothy Joy Vidal na parehong 28-anyos at Nelio Ame (drayber), 23-anyos.
Lulan naman ng motorsiklong kabanggaan ng mga ito ay ang driver na si Gabriel Suay, 19-anyos, residente sa Barangay Malis na binawian rin ng buhay, habang sugatan rin ang angkas nito na si Jenny Boy Marcos, 20-anyos.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, binabagtas ng topdown ang kahabaan ng Barangay Malis at pagdating sa lugar, pinasok nito ang linya ng motorsiklong kasalubong na nagresulta ng malagim na aksidente, dahilan ng pagkasawi ng nabanggit ma limang katao.
Discussion about this post