Timbog sa operasyon ng mga awtoridad ang isang magsasaka sa Barangay Pasadeña, El Nido, Palawan ngayong Biyernes ng hapon, Pebrero 19, 2021.
Kinilala ang naaresto na si Antonio Fulgencio, 53 anyos, may asawa at residente rin sa nabanggit na lugar.
Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa section 77 ng Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines dahil sa illegal logging.
Itinakda naman ang piyansa sa P24, 000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.Si Fulgencio ay nakapiit ngayon sa El Nido Municipal Police Station at nakatakdang iharap sa korte para sa kaukulang disposisyon.
Discussion about this post