Walong mangingisda sa bayan ng Roxas, Palawan ang inaresto ng 2nd Special Operation Unit-Maritime Group matapos mamataan ang mga ito na gumagamit ng compressor.
Ayon sa 2nd SOU-MG, Abril 24, walong mangingisda na hindi na binanggit ang mga pangalan mula sa Puerto Princesa sakay sa bangka “JAN-RELA 2” ang kanilang namataan sa karagatang sakop ng Roxas habang sila ay nagsasagawa ng seaborne patrol operations.
Nakumpiska sa mga ito ang ginamit na compressor, hose at ibat-ibang uri ng isda.
Paglabag sa Provincial Ordinance No. 1643 series of 2015, ang ikinaso sa mga mangingisda.
Discussion about this post