Kumpiskado ng AFP Western Command (WESCOM), Naval Forces West, 3rd Marine Brigade Taytay Municipal Police Station at City Environment and Natural Resources (CENRO), ang umanoy mga ilegal na kahoy o illegal lumber sa Sitio Ariman-an, Barangay Talog, Taytay, Palawan, nitong Mayo 25 matapos magkasa ang mga ito ng sanib pwersang operasyon.
Ang mga kahoy ay pag aari umano ni Eladio Pareñas Jr. na ilegal na nagsasagawa ng logging sa naturang lugar.
Dalawang bodega ang sinalakay ng mga operatiba kung saan iba’t- ibang mga kahoy tulad ng ipil ang mga nakatambak sa dalawang pagawaan nito.
Sa pamamagitan ng search warrant ay matagumpay na nakuha ang mga kahoy.
Ayon sa CENRO, nasa 16,071.66 board feet ng illegal lumber na umaabot sa P1,287,732.08, 948 pieces katumbas ng 12,851.66 board feet ipil lumber ang nasabat na nagkakahalaga naman ng P1,028,132.08, at 168 pieces ng ipil lumber sa pangalawang bodega katumbas ng 3,220 board feet at nagkakahalaga naman ng P257,600.00.
Kasong paglabag sa Section 68 ng Presidential Decree (PD) No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines ang nakatakda para sa suspek.
Discussion about this post