Nasabat ng mga awtoridad nito lamang Linggo, Nobyembre 26, ang mga smuggled cigarettes na tinatayang aabot sa P168,000 ang halaga sa Barangay Pulot Center, Sofronio Española, Palawan.
Natukoy ng mga awtoridad ang suspek na si “Dan,” 49-anyos at isang magsasaka.
Nadakip ang suspek sa pinagsamang operasyon ng Sofronio Espanola MPS, Palawan Intelligence Unit, Palawan Provincial Police Office (PPO), Bantay Palawan, PCG/CGIC-PAL, at mga tauhan ng Philippine Tobacco Institute, kung saan hinarang ang isang Mazda Passenger Van na lulan umano ang mga nasabing ilegal na sigarilyo.
Nakuha ang walong kahon at dalawang supot ng Fort cigarettes, at apat na kahon ng New Berlin cigarettes na may halagang P168,000.00.
Samantala, ang mga nakuhang kontrabando ay nasa pangangalaga na ng Sofronio Española MPS at gagamiting ebidensya laban sa suspek.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A No. 10643 o ang “The Graphic Health Warning Law” ang suspek.
Discussion about this post