Hawak na ng mga awtoridad ang ika-apat na most wanted person sa bayan ng Busuanga. Kinilala itong si Nelson Loristo Ello, 27 anyos, binata at isang construction worker. Naaresto ito nitong Lunes ng hapon, Pebrero 1, sa Barangay Concepcion, Busuanga, Palawan.
Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Arnel P. Cezar ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 163, Coron, Palawan dahil sa kasong Frustrated Murder. Php 200,000.00 ang itinakdang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Si Ello ay kasaluuyang nasa pangangalaga na ng Busuanga Municipal Police Station.
Discussion about this post