Sinampahan na ng kaukulang kaso ang pulis na namaril sa sasakyan ng dalawang kawani ng Philippine Navy sa Barangay Bacungan Kagabi ika- 8 ng Pebrero.
Sa inilabas na pahayag ng Regional Police Information Office matapos ang pamamaril ng suspek na si John Vincent Quimay Ugalde, 29 anyos, na assign sa 401st B Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA at nakabase sa Municipality ng Taytay, Palawan, ay sumuko din ito sa Police Station 2, maging ang baril na ginamit nito na Glock 17 9mm kasama ang bala.
Isinailalim na sa ballistics examination at paraffin test ng Puerto Princesa City Police Office Forensic Unit ang baril at kung mapapatunayan ito ay posibleng matanggal sa serbisyo ang pulis.
“I will never tolerate any personnel involved in conduct unbecoming like this,” ayon kay Police Brigadier General SIDNEY SULTAN HERNIA, Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA.
“If pieces of evidence warrant, he must be dismissed from the service, after due process, as part of the Intensified Cleanliness Policy of the PNP,” dagdag pa ni Hernia.
Discussion about this post