Timbog ng Roxas Municipal Police Station ang isang lalaki na may kinakaharap na sampung kaso sa Barangay San Jose, Roxas Palawan.
Kinilala ang suspek na si Emeterio Pioquinto Franada alyas “Emetrio Franada”, 50 anyos, isang karpentero at residente ng Barangay Inagawan, Puerto Princesa, City. Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, pasado 3:34 ng hapon kahapon ika-28 ng Hulyo, nang maaresto ang suspek na itinuturing na Most Wanted kung saan nasa Rank No. 1 ito sa listahan ng Police Station 2 ng Puerto Princesa City Police.
Sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Arlene Bayuga Guillen ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 13, Puerto Princesa City Palawan dahil sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) of RA 7610 (10 counts) na may kaukulang piyansang umaabot sa mahigit ₱120,000.00 bawat kaso.
Samantala, nasa pangangalaga na ito ng Roxas Municipal Police Station para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post