Arestado ang tatlong lalaki na wanted sa batas sa lalawigan ng Palawan nitong Marso 6.
Sa bayan ng Linapacan, arestado si Wilson Quintana Sola, 30-anyos, mangingisda, residente sa Barangay San Nicolas, Linapacan. Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Lovelle Moana R. Hitosis, MCTC, Fourth Judicial Region, Coron, Palawan dahil sa paglabag sa Section 1(b) ng Presidential Decree 1602 o ang illegal gambling.
Kinakailangan naman makapagpyansa ang suspek ng halagang P36,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Sa bayan ng Taytay Palawan, arestado naman ang lalaki na kinilalang si Ariel Balag Soliva, 30-anyos at residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.
Sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez, RTC Branch 131, Caloocan, inaresto ang suspek sa kasong paglabag ng section 5 (I) ng RA 9262 o batas laban sa karahasan sa kababaihan at sa kanilang mga anak.
Naglaan naman ng piyansa ang korte para sa kaso na may halagang P72,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Samantala, sa Barangay San Pedro, lungsod ng Puerto Princesa arestado ang lalaki na kinilalang si Niño Senados Noreco, 28-anyos, construction worker, residente sa Barangay San Pedro at Rank No. 21 na wanted sa Municipal Level.
Sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig, RTC, Fourth Judicial Region, Branch 47, Puerto Princesa City, sa tatlong kaso ng panggagahasa ay walang inirekomendang piyansa ang korte sa suspek.
Discussion about this post