Arestado ang tatlong indibidwal na wanted sa batas sa lalawigan ng Palawan nito lang Hunyo 8 at 9 sa Coron at Aborlan.
Sa ikinasang magkahiwalay na joint operation ng mga taohan ng CIDG unit nito lang Hunyo 8, 2023, kasama ang mga awtoridad ng Coron MPS ay nadakip ang suspek na si Dann Kenneth Angulo, 32 anyos, at residente ng Barangay 3 sa Coron, Palawan, habang ang isa naman ay kinilalang si Jade Marson y Morales Jarabejo, 20 anyos at residente ng Barangay Tagumpay sa nasabing munisipyo.
Ayon sa Press Release ng Palawan Police Provincial Office, halagang P72,000 naman ang itinakdang piyansa kay Angulo sa kasong paglabag sa RA 9262 o ang Violence Against Women and their Children Act. Halagang P36,000 naman ang itinakdang piyansa para kay Jarabejo sa kasong paglabag sa RA 7610 Sec. 5(B) o ang Lascivios Conduct.
Samantala, inaresto naman ang isang suspek sa Apurawan, Aborlan, nito lang Hunyo 9 pasado alas siyete ng umaga.
Ayon din sa Palawan Police Provincial Office, sa ikinasang operation ng Aborlan MPS kasama ang PIU, 1st Palawan Mobile Force Company, PHPT-Palawan Regional Intelligence Unit 4B, PALCIT Tracker-RID at NISWG ay nadakip ang suspek na kinilalang si Ronnie Suan y Arles, 42 anyos at residente sa nasabing lugar.
Halagang P80,000 naman ang inihaing piyansa laban sa suspek sa kasong Child Abuse.
Samantala, parehong nasa kustodiya na ng Coron MPS at Aborlan MPS ang mga suspek at ihaharap sa korte para sa kaukolang disposisyon.
Discussion about this post