Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain ng pamangkin nito sa Barangay Apoc Apoc, Aborlan, Palawan ganap na 9:26 ng gabi ng ika-2 ng Marso.
Kinilala ang biktima na si Roberto Macometa Labado, 57 anyos, habang ang suspek kinilalang si Oliver Labado Alabado alyas “Mon-Mon”, 24 anyos pawang residente ng nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Aborlan Municipal Police Station, mayroon na umanong alitan ang dalawa at nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek na may dalang itak, nang makita si Labado ng suspek , agad niya itong inunahan ng taga sa ulo at sa ibat-ibang parte sa katawan na agarang ikinasawi ng biktima.
Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang suspek at itinapon ang ginamit nitong patalim, ngunit kalaunan ay nahuli din ito ng mga awtoridad maging ang ginamit nitong patalim ay nakita sa lugar sa pinangyarihan ng krimen.
Kasong pagpatay ang isinampa ng Aborlan Municipal Police Station laban sa suspek.
Discussion about this post