Arestado ng Araceli Municipal Police Station ang isang lalaki na wanted sa batas at Rank No. 5 Municipal Level sa National Highway, Barangay Poblacion, Araceli Palawan, ganap na 1:00 PM ika-4 ng Pebrero.
Kinilala ang suspek na si Ellias Hachuela Calanday, 81 anyos, may-asawa, magsasaka at residente sa Barangay San Jose De Oro, Araceli, Palawan
Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Anna Leah Tiongson Mendoza, RTC, Branch 164, Roxas, Palawan noong Setyembre 25, 2017 sa kasong Sec. 28 of RA 10591, an Act Providing for a Comprehensive Law on Firearms and Ammunition And. providing Penalties for Violation thereof.
Samantala kinakailangan naman makapaglaan ng piyansa sa kaso ang suspek na nagkakahalaga ng 120,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Kaugnay nito, nasa kustodiya na ng Araceli PNP ang suspek para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post