Nahuli na ng mga otoridad kahapon ang isang suspek sa Munisipyo ng Linapacan matapos magtago sa batas ng halos isang taon.
Kinilala ang naarestong indibidwal na si Allan Jimenez Calix, 35 anyos, binata, mangingisda, at residente ng Brgy. Decabaitot, Linapacan, Palawan.
Sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ni RTC Branch 163- Coron Presiding Judge Arnel P. Cezar, na may petsang Hulyo 26, 2019, ay inaresto ng mga tauhan ng Linapacan MPS ang suspek bandang 11:00 am kahapon sa Brgy. Decabaitot sa nabanggit na munisipyo.
Dinakip ang suspek dahil sa kasong paglabag sa Sec. 92 (paggamit ng dinamita o nakalalasong kemikal o elektrisidad) ng RA 10654 o ang “Philippine Fisheries Code” na kung saan ay may inirekumendang P60,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Linapacan PNP ang arestadong suspek at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post