Dinagsa ng libu-libong kalahok mula sa iba’t ibang ahensiya, pribado o pampubliko ang isinagawang 19th Love Affair With Nature sa Sitio Bucana, Brgy. Iwahig kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga puso, Pebrero 14, 2023.
Sa panimula, marami ang naki-indak sa Zumba Exercise at nakihataw sa pagiling para maagang pagpawisan. Habang naghihintay, nariyan rin ang City Choir at Banwa Dance and Arts para i-entertain muna ang mga tao habang hindi pa nagsisimula ang programa.
Pasado alas singko ‘y media ng umaga, nagbigay ng mensahe ang representante ng Brgy. Iwahig na si Kgwd. Pearl Madriñan na sinundad ng pasasalamat mula sa representante ng U.S Navy Mobile Force na Ensign. Huy Duong. Malugod rin ang pagbati ni Vice Mayor Nancy Socrates at Mayor Lucilo R. Bayron ng Happy Valentine’s Day at pasasalamat sa mainit na pagsuporta ng mga mamamayan sa muling pagbubukas sa publiko ng aktibidad matapos ang pandemya ng Covid-19.
Nagbaliktanaw rin sa pamamagitan ng video presentation na inihanda ng City ENRO ang lahat kung paano sinimulan ang aktibidad noon pang 2003. Ayon kay Atty. Carlo Gomez, namumuno ng City ENRO “It is our vow to fight climate change and we all know na ang Puerto Princesa ang nangunguna sa buong bansa para protektahan ang ating environment, ang ating kalikasan. And with these mangrove planting activity, mga ilang taon mula ngayon makikita natin na muling sisibol itong yaman ng bakhawan sa Sitio Bucan ana nasira ng ilang mga nag-interes na personalidad.”
Highlight rin ng programa ang kasalang bayan kung saan isangdaan at siyam na mga magsing-irog ang nagpalitan ng “Yes, I do” at nagpalitan ng matatamis na halik sa basbas ng alkalde.
Samantala, mahigit walong libong iba-ibang species ng mangrove propagules ang itinanim sa ilang ektaryang bakawan na naabuso ng ilang mga taong nagkaroon ng personal na interes dito. Ipinakilala rin ng ang potting of soil at sowing kung saan ito ang nakikitang daan para sa paghahanda ng marami pang maitatanim na semilya ng bakaw sa mga susunod pang mga taon.
Malaki ang pasasalamat ng Administrasyong Bayron sa matagumpay na Love Affair with Nature bagaman minsan itong naputol epekto ng pandemya ng COVID-19.
Discussion about this post