Panibagong luxury cruise ship ang bumisita sa Puerto Princesa City ngayong araw, Marso 2 kung saan lulan nito ang tintayang nasa 1, 800 pasahero at crew nito.
Mainit ang naging pagsalubong ng tourism frontliners ng lungsod kung saan sa pantalan pa lamang ay nag-enjoy na ang mga sakay na turista sa mala-fiestang aktibidad.
Ang Westerdam ang ikalawang cruise ship ngayong taon na dumaong sa siyudad kasunod ng MV Seabourn Encore. Isa sa mga vista class-cruise ship ang Westerdam na pagmamay-ari ng Holland American Line na tumanggap na rin ng mga pagkilala mula sa tourist critics na Cruise Critic Editor’s Pick at Legends Award Departure bilang “Best Cruise Itineraries 2019 & 2020”.
Kumpleto rin ang pasilidad ng barko na mayroong iba’t ibang ameneties na pupwedeng ma-enjoy ng mga sakay nito. Dagdagan pa ang eleganteng disenyo at mga makabagong teknolohiya sa barko; maging ang pagbibigay ng entertainment ay pasok rin sa panlasa ng mga turista.
Inaasahan naman na hindi mabibigo ang mga bisitang gustong mapasyalan ang mga pamosong destinasyon sa lungsod lalo na ang ipinagmamalaking New 7 Wonders of Nature at UNESCO World Heritage Site – ang Puerto Princesa Underground River.
Inaasahan na mayroon pang malalaking cruise ships na dadaong sa pantalan ng lungsod ngayong buwan ng Marso. Ito ay malaking bahagi pa rin ng patuloy na recovery ng lungsod mula sa mahigit dalawang taong pagpatay sa industriya ng turismo dulot ng pandemya ng Covid-19.
Discussion about this post