Ninanais na panatilihin at mas lalo pang pagbutihin ng mga militar ang kanilang sinumpaang tungkulin kaugnay sa pagdiriwang ng International Humanitarian Law (IHL) ngayong buwan ng Agosto. “We reiterate our collective commitment to contribute to the full and proper implementation of IHL in all our campaigns and operations,” ito pa nga ang ilan sa mga salitang binitawan ng Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff Gen. Andres C. Centino.
Ang long-month celebration ng IHL kaagapay ang AFP ay naglalayong pagtibayin ang kanilang “collective commitments” o ang sabi nga nila’y pagbibigay proteksyon sa mga Pilipino, sundalo man o mamamayan, sakop nito ang buong estado. Hindi biro ang ganitong bagay kaya mapapaisip tayo ng “paano?”.
Nakokontrol ng IHL ang mga armadong labanan sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod ng AFP sa mga prinsipyo ng IHL at pangako sa promulgasyon nito. Nasasalamin nito ang pangkalahatang core principles na pinagkakaiba sa pagitan ng mga sibilyan at mga mandirigma. Ito ang magiging batayan ng mga militar sa mga kakaharaping pagsubok.
Pagkakaroon naman ng serye ng pagpupulong ang ginagawa upang matiyak na ang mandato ay pantay-pantay na nasusunod ayon sa IHL. Ito ang hakbangin na nasisigurado na nabibigyang halaga ang IHL at maayos naisasagawa ang mga operasyong nakapaloob sa sinumpaang pangako.
Napaigting lalo ito sa pagbuo ng AFP sa tinatawag nilang Center for Law of Armed Conflict (CLOAC) kaakibat rito ang Major Services, Unified Commands, at AFP-Wide Service Support Units dahil ito ang sa tingin nila’y magpapanatili sa kakayahan na pagsubaybay sa mga lalabag sa mga probisyon, lalong lalo na ang Communist Terrorist Group (CTG).
Kaugnay sa IHL, nagkakaroon naman ng pagbabahagi ng gawi at kaalaman sa mga reservist upang maging force multiplier sa pagbibigay malay sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Dahil sa pagkakaroon ng inisyatibong ito, nakapagsumite sa PNP-CIDG at NTF ELCAC ng 166 IHL violation reports.
Sa pagkakabuo at pagsasabatas ng Republic Act 9851 o ang localized version ng IHL, mas lalong mabibigyang diin at linaw ang proteksyong ibinibigay sa bawat Pilipino at pagpapataw sa mga lumalabag nito lalo na ang mga CTG sa ilalim ng mga probisyon ng naturang batas. Makikita ng lahat ang pagpapahalaga sa pag-uusig at pagpapatunay sa mga ulat na ginagawa ng AFP para sa kanilang pinahusay na estratihiya.
Discussion about this post