Matagumpay na pinasimulan ng pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) ang Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) project. Ang SCADA ay isang software application na may kasamang hardware component at communication component para sa pagkuha ng mga live na data galing sa generators, substations at reclosers, pagproseso ng nasabing data at pagkontrol ng mga gamit sa tatlong segment (Generation – Power Providers, Transmission – NPC at Distribution – PALECO) ng power system.
Layunin ng proyektong ito na maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa supply at demand ng kuryente habang nagooperate ang boong power system ng Palawan Main Grid. Ang kakulangan sa supply ay dahilan ng pagkawala ng kuryente sa mga kabahayan, kumunidad at sentro ng pangkalakalan, kayat ang SCADA ay magagamit ng System Operator upang magawan ng aksiyon bago pa magkulang ang supply sa Main Grid. Magagamit din ang SCADA sa pagpapabilis ma-ituro ang sanhi ng pagkawala ng kuryente at dahil dito, mapapabilis ang pag-aayos ng linya or generator upang mas mapabilis ang pagbalik ng kuryente.
Nahahati sa tatlong bahagi ang naturang proyekto. Ang unang bahagi ay binubuo ng pagkakabit ng mga planta, substations at reclosers na nandito sa Lungsod ng Puerto Princesa sa SCADA. Kasama rin dito ang paglalagay ng Control Center sa Main Office ng kooperatiba sa Bgy. Tiniguiban. Ang ikalawa at ikatlong bahagi naman ay pagkakabit ng mga power plants, at mga substations kasama ang mga reclosers sa bahaging Sur ng lalawigang at bayan ng Roxas.
Inaasahang ang SCADA project na ito ng PALECO ay matatapos sa taong 2021, bilang isa sa mga pinaglaanang pondo mula sa Capital Expenditure ng kooperatiba upang mas mapabuti ng serbisyo para sa mga MCOs.
Para sa karagdagang kaalaman, makipag-ugnayan sa
PALECO Member Services Department
PALECO ay Palaguin, ito ay atin!
Discussion about this post