Humigit-kumulang isang daan at limampung (150) katutubong Tagbanua ang nabiyayaan sa isinagawang Pamaskong Handog 2023 at Community Outreach Program o mas kilala sa katagang “Tarabangan Kita” ng kapulisan ng 4th Platoon, 2nd PPMFC sa panguguna ng Platoon Leader nito na si Police Leutenant Joey Boy D Peña, sa Brgy. New Ibajay, El Nido, Palawan – nito lamang Disyembre 9.
Naging katuwang ang H-Hospitality Group, Venturillo Convenience Store, MG Chateau Resort, Gabgab Convenience Store, at ang Pamahalaang Barangay ng New Ibajay na pinamumunuan ni Kap. Clarence R. Legaspi kasama si Kgd. Naneth D. Abis at Ptr. Rey S. Estropia, Values Life Coach.
Natanggap ng mga katutubo ang mga foodpacks at food supplements na kalauna’y nakapagsagawa rin ng feeding program.
Ibinahagi rin ang kaalaman sa terorismo, iligal na droga, Safe Spaces Act, at Anti-Violence Against Women and their Children. Pasasalamat ng mga katutubo sa natanggap na regalo at serbisyo.
Discussion about this post