Tiniyak ni Palawan Governor Jose Chaves Alvarez ang kaligtasan at kapakanan ng mga Palaweño sa kabila ng banta ng COVID-19 sa buong lalawigan kahit pa patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpo-positibo sa nasabing virus.
Sa naging panayam sa gobernador sa programang “Laging Handa” ng PCOO at ipinalabas sa PTV-4 at social media, sinabi nitong “on top of the situation” ang Pamahalaang Panlalawigan at hindi kinakailangang isailalim sa lockdown ang probinsya.
“Kontrolado naman natin ‘yong dumarating dito. In accordance sa mag-abiso barko, eroplano, sinasalubong natin ‘yan at talagang tinutugunan natin ‘yong required health protocol. Diretso sa mga munisipyo,” ani Alvarez sa online guesting nito sa Laging Handa ng PCOO.
Sa halip na lockdown, sinabi pa ni Alvarez na hinihiling pa nga nito sa Inter Agency Task Force na luwagan pa ang quarantine restrictions sa Palawan upang maka-arangkada na muli ang ibang negosyo lalo na ang nasa sektor ng turismo.
“Hinihintay lang natin na ‘yong ating MGCQ ay magbago, but hindi natin muna mabuksan like ‘yong pagbukas sa Boracay… Hinihintay namin ang signal galing sa national kung kailan natin pwedeng luluwagan ito at ano ‘yong mga protocol na gagawin,” sagot ng gobernador sa tanong kung ano ang plano sa turismo sa Palawan.
“Nakahanda kami dyan ngunit in our anxiousness to open our doors to domestic tourism muna, dapat an gating preparasyon ay hindi lang minimal. Kung mamarapatin ay dapat higpitan natin pero s’yempre tanggapin natin ang mga local tourist muna at wala munang foreign tourist. ‘Yon ang nakikita naming pwede munang gawin,” dagdag ni Alvarez.
Matatandaan na una naring inihayag ni Alvarez noon na nais nitong pabuksan na ang mga paliparan sa Palawan para sa commercial flights partikular na para sa mga lokal na turista.
Nang matanong naman ni Secretary Martin Andanar na siyang host sa nasabing programa ang may kinalaman sa podo ng probinsya, ipinagmalaki ng gobernador na may sapat itong pondo sa kabila ng nararansang krisis ngayon dulot ng COVID-19.
“Sa one-time grant ay binigyan kami ng kalahating buwang IRA, that’s about P122 million at ‘yong Highly Urbanized City ng Puerto Princesa ay tumanggap ‘yan ng kulang-kulang mga P275 million. ‘Yon namang mga munisipyo ay tumanggap ‘yan ng one-month grant ‘yan sila ngunit naubos ‘yan sa apat na buwan karamihan sa kanila,” ani Alvarez.
“Kaya lang ‘yong instructions ng national sa atin especially DILG, na ‘yong mga programs especially infrastructure ay pwede natin isantabi muna ‘yon hanggang medyo malagpasan natin itong pandemya na ito. So, marami kaming pera na pwede namin i-reprogram. In fact, in the province of Palawan has a roughly, including all our financials, we have about P5 billion of which ang P500 million nito ay pwede naming itong ma-reprogram at ma-redirect doon sa fight against COVID,” dagdag ng gobernador.
Discussion about this post