Nabiyayaan ng pensiyon ang nasa tinatayang 246 na indigent senior citizens at Persons with Disabilities (PWDs) sa bayan ng Balabac nitong nagdaang Sabado, Pebrero 12, mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
203 na senior citizens sa ang tumanggap ng tulong pinansiyal na may kabuuang P529,500 habang 43 naman ang naitalang PWDs nakatanggap nga pera na tinatayang P381,000.
Sa kabuuan, umabot ng P910,500 na tulong pinansyal ang naipamahagi sa tulong ng mga manggagawa at representante mula sa opisina ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Ayon sa press release mula sa Palawan Provincial Information Office (PIO), magpapatuloy ang layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na matulongan ang mga kapatid mula sa indigenous people group ng probinsya partikular na ang mga Palawenong senior citizens at PWDs.
Ang nasabing tulong programa ay mula sa Local Social Pension Program for Indigent Senior Citizens and Indigent Persons with Disabilities ng PSWDO katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan.
Layunin din ng naturang programa na maibsan ang suliraning pinansyal ng mga kapatid na katutubo, kabilang na rito ang pangtustos sa pang araw-araw na gamot at iba pang mga pangangailangan.
Discussion about this post