Kabilang sa mga kinilala ng National Nutrition Council (NNC) Mimaropa Region ngayong buwan ng Mayo ay ang mga miyembro ng Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa apat na munisipyo ng Lalawigan ng Palawan.
Sa Facebook page ng nasabing tanggapan, makikitang tampok ang mga BNS mula sa mga bayan ng Rizal, Magsaysay, Coron at El Nido dahil “sa kanilang kontribusyon sa nutrisyon” sa gitna ng hamon ng COVID-19.
Sa ngayon ay kinikilala ng NNC ang mga indibidwal, mga grupo, organisasyon at lokal na pamahalaan sa kanilang mga tulong sa nutrisyon ngayong panahon ng krisis, kung saan napakahalaga ang maipanatili ang magandang kalusugan, lalong-lalo na ng mga nasa high risks sector.
Ngayong linggo nang ibida ng ahensiya ang Barangay Nutrition Scholars ng Magsaysay at Rizal na sa larawan ay makikitang kasama sa paghahanda at pamamahagi ng hot meals mula sa kanilang “Kusina sa Barangay,” isang proyektong layong mabigyan ng ready-to-eat ng kanin at ulam ang mga residente ng barangay, partikular ang mga batang malnourished, mga buntis, at mga senior citizen habang noong ika-4 ng Mayo naman nang itampok nila ang mga BNS ng Coron at El Nido na tumulong mula pagre-repack hanggang sa pamamahagi ng food pack at patuloy na mamimigay ng serbisyong pangnutrisyon sa kanilang komunidad.
Discussion about this post