1 sa 7 katao na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o tinatawag na Forestry Reform code of the Philippines ay isang barangay kagawad matapos maireport ng isang concerned citizen sa Quezon Municipal Police Station (MPS) ang nangyayaring pagpuputol at paghahakot ng mga suspek sa mga punong kahoy bandang 10:30 ng umaga noong January 6, 2021 sa Sitio Marantot Brgy. Isugod, Quezon, Palawan.
Ayon sa spot report ng Quezon MPS, ang kagawad ng Barangay Isugod, Quezon na sangkot sa ilegal na pagputol ng kahoy ay si Rodolfo Ferariz Guillermo Jr alias ‘Nonoy’, 48 anyos. Habang ang mga kasama nito ay kinilalang sina Lowell Docto, 54 anyos mula Española, Palawan; Ike Campo Opsiar, 30 anyos mula Española, Palawan; Dave Labarador (AT LARGE), 23 anyos mula Quezon, Palawan; Raylan Santillana Laborador, 42 anyos mula Quezon, Palawan; Jan Jayross Obena Hermogenes, 21 anyos mula Quezon, Palawan; at isang 17 anyos mula Española, Palawan.
Sa inisyal na imbistigasyon ay nagsasagaw ng pagpuputol at paghahakot ng mga kahoy sa gubat sa nasabing lugar ang mga ito at walang naipresentang mga kaukulang dokumento na naging rason ng kanilang pagkaaresto.
Samantala nakumpiska sa pangangalaga ng mga suspek ang mahigit kumulang na 5,000 board feet ng mga tabla kasama na ang isang 10-wheeler truck na gagamitin sana sa paghahakot nito.
Discussion about this post