Sa kabila ng tatlong nadagdag na panibagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Palawan, inanunsyo rin ngayong araw ng health authorities na may pitong gumaling mula sa nasabing virus.
Ang bayan ng Bataraza ay COVID-Free na matapos maka-recover ang anim na COVID-19 patients doon base sa kumpirmasyon ni Dr. Rebethia Acala, ang Municipal Health Officer ng nasabing bayan.
Matatandaan na walo ang naitalang COVID-19 cases sa Bataraza kung saan una nang inanunsyo ang paggaling ng unang dalawang pasyente.
Sa bayan ng Roxas naman ay gumaling narin ang isa sa dalawang Locally Stranded Individuals na nagpositibo sa nakamamatay na virus.
Ito naman ang ginawang kumpirmasyon ni Dr. Leo Salvino, ang Municipal Health Officer ng Roxas kung saan sinabi nitong wala ng sintomas ang babaeng pasyente pero kasalukuyang naka-home quarantine.
Sa kabuoan, 37 COVID-19 patients na ang naka-recover sa buong lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa mula sa 62 naitalang kumpirmadong kaso mula noong Marso kabilang na ang Australian National at ang isang namatay mula sa Barangay Tanabag, lungsod na ito habang 24 naman ang nananatiling active cases. Ng COVID-19 sa buong probinsya.
Discussion about this post