Mahigit 790,000 na rehistradong botante sa lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa ang inaasahang lalahok sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, 2025. Sa loob ng 95 araw, pipiliin ng mga Palawenyo ang kanilang mga bagong lider, kabilang ang mga senador, party-list groups, kongresista, at mga opisyal sa antas ng probinsya, lungsod, at munisipalidad.
Ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) Palawan, may kabuuang 790,372 rehistradong botante sa buong lalawigan, na nahahati sa tatlong distrito:
Unang Distrito – 303,217 botante
Ikalawang Distrito – 275,620 botante
Ikatlong Distrito – 211,535 botante
Ang Unang Distrito ang may pinakamalaking bilang ng botante, na kinabibilangan ng 15 bayan sa isla at mainland, kabilang ang El Nido, Coron, Roxas, San Vicente, at Taytay.
Samantala, isang kontrobersyal na panukala ang umiinit ngayon sa lalawigan—ang 25-taong mining moratorium na naglalayong bigyan ng pahinga ang kagubatan mula sa pagmimina. Dahil dito, nananawagan ang Simbahang Katoliko sa mga botante na huwag suportahan ang mga kandidatong hindi nagpapakita ng pakikiisa sa panukalang ito.
Discussion about this post